Kabanata 073 Hangal ka ba
Hindi napigilan ng mga tao sa paligid na maawa at mainis. May isang napasabat, “Sinasabi mo ba talaga na isang bata ang naglagay ng gamot sa’yo? Ano bang pumapasok sa utak mo?”
“Oo nga, may ginawa ka bang kabastusan sa bata tapos ngayon sasabihin mong nilagyan ka niya ng gamot?”
Naubusan ng masasabi si Stella, lalo na’t nakatingin lang sina Heath at Timothy. Kailangan niyang panindigan ang imahe niya na mahilig sa bata. Hindi siya puwedeng mapahiya nang ganun-ganun na lang.
Bubuka na sana ang bibig niya pero wala siyang masabi. Muling sumikdo ang nararamdaman niya sa tiyan kaya napilitan siyang umalis na halos umiiyak.
Tumalikod si Heath kay Timothy. “Sa lahat ng nangyari ngayon, kailangan sigurong magpalamig muna ang mga tao. Hindi natin puwedeng iwan dito ang mga bata. Timothy, pakihatid na lang sila pabalik sa bahay ni Alexander. Pasensya na sa abala.”
“Wala pong problema, Mr. Smith. Ihahatid ko na sila ngayon,” sagot ni Timothy.
Inakay ni Timothy ang dalawang bata papunta sa sasakyan.
Pagkaalis ng iba at sila na lang ang natira sa loob ng kotse, sinulyapan sila ni Timothy. “Sige na, diretsuhan na tayo. Kayo ba ang naglagay ng gamot sa kanila?”
Alam ni William na hindi na niya maitago at wala naman talaga siyang planong itago, kaya umamin siya. “Oo.”
“Bakit?”
“Tatanungin mo pa ba?” sinamaan niya ng tingin si Timothy.
Napatahimik si Timothy sa sagot niya.
Pero may hindi tumutugma. Noon pa ay ayaw na ng mga bata kay Stella, pero kailanman hindi nila ito nilagyan ng gamot. At hindi lang si Stella ang tinamaan ngayon, pati ‘yung iba pang nang-api kay Monica.
Tinitigan niya ang mga bata at maingat na nagtanong, “Kilala n’yo ba kung sino si Monica?”
“Siyempre naman,” muling binigyan siya ni William ng mataray na tingin.
“So, binibigyan n’yo sila ng leksiyon para kay Mama n’yong si Monica?”
“Hindi ba dapat lang?” balik ni William.
Muli na namang napipi si Timothy.
Hindi niya inasahan na ganito kalalim ang nararamdaman ng mga batang ‘to para sa nanay na ni minsan ay hindi nila nakilala.
Hindi lang ‘yon. Marami pang bagay na hindi niya maintindihan, at kailangan niyang buhusan ng oras para alamin.
Walang nakahula sa gulong nangyari ngayong araw, kaya paano nagkataon na may dalang pampurga ang mga bata?
At kaya niyang ipusta ang lisensya niya bilang doktor na hindi ordinaryong pampurga ang ginamit nila.
So, saan nila nakuha ‘yung espesyal na gamot na ‘yon?
Isa pa, hindi kailanman ikinuwento ni Alexander sa kanila ang tungkol kay Monica. Kahit pa sabihing may koneksiyon ang mag-ina, hindi naman basta-basta tutubo ang ganoong tinding galit nang walang dahilan.
Ang mas mahalaga pa…
Tinitigan ni Timothy si William at nagtanong, “Kung alam n’yo na si Monica ang mama n’yo, at nagpakita siya ngayong araw, bakit hindi pa kayo nagpunta sa kanya para mag-reunion?”
“Anong ikinagmamadali?” balik-tanong ni William.
Tiningnan siya ni Timothy nang masinsinan, parang sinusubukang basahin ang utak ng bata. Kahit anong itanong niya, laging may sagot agad. Galaw na galaw Alexander, wala ni katiting na pagkakahawig kay Daniel.
Pero hindi na niya gustong sundan pa ‘yung linyang ‘yon. Imbes, mas naengganyo siya sa sagot ng bata. “Bakit hindi kailangang magmadali?”
Nag-isip sandali si William bago sumagot, “Gustong-gusto na naming magkita at mabuo kasama si Mama, pero baka ayaw ni Dad. At baka si Mama, ayaw na rin bumalik sa kanya. Hindi namin puwedeng pilitin si Mama sa isang bagay na hindi niya gusto. Tsaka, siya naman ang iniwan si Mama para kay Stella. So, hindi kami magmamadaling magsiksik sa buhay nila hangga’t hindi pa siya napapatawad ni Mama.”
Napanga si Timothy.
Hindi siya makapaniwalang ganoon na siya kaunawa sa sitwasyon—malayong-malayo sa Daniel na kilala niya noon.
Tinitigan niya si William, puno ng pagdududa ang mga mata.
Napansin ‘yon ni Sophia at agad niyang nahulaan na nagdududa si Timothy kay William. Mabilis niyang hinila ang manggas ni Timothy.
Tumingin si Timothy sa kanya. “Amelia, may gusto ka bang sabihin sa’kin?”
Hindi nagsalita si Sophia.
Na-gets ni William ang gusto ni Sophia kaya siya na ang nagsalita para sa kapatid, “Timothy, puwede bang huwag mo nang ikuwento kay Dad ang lahat ng nangyari ngayon?”
“Bakit?”
Nag-isip muna si William bago sumagot, “Kasi… gusto talaga naming magkabalikan sila. Gusto naming mabuo ‘yung pamilya namin.”
Ito ang hiling nina Daniel at Amelia. Wala namang tutol si William sa ganung ending, kaya siya na ang nag-voice out.
Tumango si Timothy at tumingin sa munting babae. “Amelia, gano’n din ba ang gusto mo?”
Kumurap-kurap si Sophia, kumikislap ang malalaki niyang mata, saka sunod-sunod na tumango.
Napatingin si Timothy sa ka-cute-han niya at napangiti nang hindi sinasadya. “Sige, pero may isang kondisyon ako. Si Amelia mismo ang magsasabi sa’kin, saka ako papayag.”
Napakunot ang noo ni Sophia.
Napakunot ang noo niya pero naalala niya ang mga sinubukan niyang sabihin kanina sa resto. Naisip niyang isang pangungusap na lang naman ang idadagdag, hindi naman siya mamamatay doon.
Kaya binuka niya ang bibig at sa medyo matigas at alanganing tono, “Timothy, puwede mo ba kaming tulungan?”
Napatulala si Timothy.
Nagsalita ba talaga siya?
Ang alam lang niya, sabi ni Alexander, paminsan-minsan lang daw itong bata kung magsalita ng kahit isang salita. Kaya nga niya ito tinetemp, trip lang sana. Hindi niya inakalang sasagot talaga.
Sa sobrang tuwa niya, gusto na sana niyang tawagan agad si Alexander para ibalita.
Pero gusto pa niyang subukan ulit, kaya nagpatuloy siya, “Amelia, sabihin mo pa ulit sa’kin, isa pang pangungusap.”
Umiling agad si Sophia, ayaw nang magsalita.
Susubukan pa sana siyang kumbinsihin ni Timothy, pero naunahan siya ni William na malamig ang tono, “Timothy, babawiin mo ba agad ang sinabi mo?”
